Trabaho lang po: Pagtalakay sa resolusyon patungkol sa ICC ay ‘matter of course,’ mandato ng Kamara

Trabaho at mandato ng Kamara na dinggin ang anumang resolusyon na isusumite ng mga miyembro nito.

Tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez na sadyang inuuna at ginagawang prayoridad ng House of Representatives ang pagtalakay sa resolusyong hihimok kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na makipagtulungan sa imbestigasyon ng International Criminal Court sa madugong war on drugs ni dating pangulong Rodrigo R. Duterte.

“This is the sense of the House of Representatives. There was a succession of resolutions that are being filed,” Romualdez said.

“As a matter of course, we have to read out these bills and resolutions and we have to act on the same…,” paliwanag ni Romualdez sa isang press conference sa pagbubukas ng Annual Meeting of the Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF) sa Pasay City nitong Huwebes, Nobyembre 23.

BASAHIN RIN: Gobyerno ni PBBM, hindi kailangang ituloy ang imbestigasyon sa EJK noong panahon ni Duterte—Korte Suprema

Isinumite ni House Human Rights Panel chairperson Bienvenido Abante Jr. at 1-Rider Party-list Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez ang House Resolution 1477 na hinihikayat ang pangulo na makipagtulungan sa ICC, habang mayroon ring nauna nang isinumite ang Makabayan bloc.

Pinabulaanan rin ng Speaker ang bintang ni dating presidential spokesperson Harry Roque na siya ang may pasimuno sa pagsumite ng mga resolusyon.

“We respect his thoughts and opinion but they’re not accurate. So, I’ll just put it at that and there is nothing to it,” aniya.

Dagdag pa ni Romualdez, ang desisyon ng Kamara sa isyu ay sumasalamin sa mga saloobin ng miyembro nito.