Trabaho agad si Consing: PBBM, pinangunahan ang panunumpa ng MIC CEO

May mga plano na si Rafael Consing Jr. para sa MIC sa kaniyang unang 100 na araw bilang pinuno nito.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Biyernes, Nobyembre 24, ang panunumpa sa tungkulin ni Rafael Consing Jr. bilang pangulo at chief executive officer ng Maharlika Investment Corporation (MIC).

Matapos ang kaniyang panunumpa ay agad namang ibinigay ni Consing kay Marcos ang kaniyang mga plano para sa MIC sa kaniyang unang 100 na araw bilang pinuno nito.

“Shortly after the oath-taking ceremony, Consing sat in a meeting with President Marcos at the Malacañan Palace where he discussed his plans for the MIC for the first 100 days as the President and CEO of the first-ever sovereign wealth fund,” ani Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil sa isang pahayag.

BASAHIN RIN: May napili na! PBBM, nagtalaga na ng CEO sa MIC

 

Partikular rin tinukoy ni Consing ang mga larangang pagtutuunan nito ng pansin.

“The topics discussed include the support needed to operationalize the MIC and the priority investment areas such as tourism infrastructure, agri-forestry energy security, digital infrastructure, and financial services,” dagdag ni Garafil.

Maninilbihan si Consing ng tatlong taon sa MIC, at tiwala ang Palasyo na gagawin nito ang lahat upang masiguradong makapag-aambag ang MIC sa “long-term economic prosperity” ng bansa sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund.