Topnotcher ng Pharmacists Licensure Exam, pumasa kahit may matinding sakit

Hindi naging hadlang ang isang malubhang karamdaman sa pangarap ng isang 25-anyos na lalaki mula Zamboanga del Sur.

Hindi naging hadlang ang isang malubhang karamdaman sa pangarap ng isang 25-anyos na lalaki mula Zamboanga del Sur.

Ayon sa ulat ng GMA Regional TV, ang topnotcher ng 2024 Pharmacists Licensure Examination na si Rhedz-Wei Hadjula ay nakapasa sa kabila ng sakit na thalassemia.

Ang thalassemia ay isang sakit sa dugo kung saan hindi sapat ang kakayahan ng katawan ng isang tao na lumikha ng hemoglobin.

“My kuya din po may thalassemia to the extent na ‘di siya nakapag-aral. Yung case ko naman medyo light, somehow there is this struggle din kasi we have to awake at night sa study ganyan pero tapos yung hemoglobin ko mababa,” kwento ni Hadjula.

Sa kabila ng karamdaman, nagawa ni Hadjula na matapos ang kanyang kurso sa Universidad de Zamboanga,at nito ngang Abril ay nakakuha ng rating na 92.85% sa nabanggit na licensure exam.

“There is this struggle also pero thankfully my sister, and everyone in my family keep track of my health,” dagdag pa niya.