Top priority ng PBBM admin: Militar, bubuhusan ng matinding suporta ng Kamara—Romualdez

Ang pangulo mismo ang nagpaalala sa Kamara na respetuhin, protektahan, at suportahan ang mga uniformed personnel ng bansa, kabilang ang AFP. Kaya naman makakaasa ito sa buong-pusong suporta mula House of Representatives, ayon kay Speaker Martin Romualdez.

Makakaasa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa matinding suporta mula sa House of Representatives (HOR) sa layon nitong protektahan ang bansa. Ito ay batay na rin aniya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“On behalf of the members of the House, we would like you all to know, the members of the Armed Forces of the Philippines, particularly you, the generals and the leaders of the AFP, that we stand beside you and we shall be in strong support of you every day of your lives because our President, our Commander in Chief, has set the policy that you are the priority, the men and women of the Armed Forces of the Philippines for all the services and sacrifices you have given to the country. This is the least we can do,” giit ni Romualdez sa kaniyang talumpati sa HOR-AFP Fellowship sa Tejeros Hall sa Camp Aguinaldo nitong Miyerkules ng gabi, Disyembre 13.

Sinabi rin ng Speaker na si Marcos mismo ang nagpaalala sa Kamara na respetuhin, protektahan, at suportahan ang mga uniformed personnel ng bansa, kabilang ang AFP.

“The House shall be responsive not just in the halls of the Batasan, where we move for approval of your budgets but we want you know that we always stand by you and we want to make ourselves accessible to you so that you know at any given time, your representatives will be with you and we will respect all that you have done for us and we shall uphold all the ideals and values that you cherish particularly in safeguarding the nation,” dagdag ni Romualdez.

Sa katunayan, ang HOR-AFP Fellowship, aniya, ay simbolo ng pagtutulungan ng AFP at Kamara.