‘Top choice’ ng Japanese investors ang PH dahil sa paglago ng ekonomiya sa pamumuno ni PBBM—business group

Kung matutuloy ito, aba'y tunay ngang Japan, Japan ang sagot sa kahirapan dahil marami-raming Hapon raw ang nais mag-invest sa Pilipinas dahil sa lumalago nitong ekonomiya sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Maraming Japanese investors ang interesadong mamuhunan ang makipagtulungan sa Pilipinas dahil sa paglago ng ekonomiya nito sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“The Socioeconomic 8-Point Agenda that you have announced, Mr. President, prioritizes social security and the development of human capital. Also, it establishes the investment promotion, strengthening of digital infrastructure, the promotion of green economy, and so forth, through which you are aiming at expanding and creating jobs. And it is expected that in these fields that we can see the further promotion of the cooperation between our two countries,” paliwanag ni Ken Kobayashi, chair ng Japanese Chamber of Commerce and Industry (JCCI), na tinanggap ng pangulo sa Malacañang sa isang courtesy call.

Ayon pa kay Kobayashi, Pilipinas ang unang pinuntahan ng JCCI para sa pagpapatuloy ng mga economic missions nito matapos ang pandemya ng COVID-19. Kasama niya aniya ang halos 70 business leaders ng Japan, na patunay lamang raw na interesado talaga ang mga Hapon na mamuhunan sa Pilipinas at sa gumagandang ekonomiya nito.

Ang JCCI rin ang pinakamalaking business organization sa Japan na may 1.25 milyong kompanya na kasapi.