Top 4 most wanted sa Bicol, nakorner sa Sorsogon

Nadakip ng mga awtoridad ang ika-apat na most wanted sa Bicol region nitong Miyerkoles.

Nahuli ng Police Regional Office–Bicol (PRO5) si alyas ‘Ron’, 42, na isang suspek sa anim na counts ng rape.

Ayon kay PRO5 spokesperson Lt. Col. Malu Calubaquib, nakorner ang suspek sa Purok 4, Brgy. Cambulaga, Sorsogon.

“The accused is implicated with six counts of rape, with no bail recommended. After the arrest, the suspect was taken to the Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Sorsogon Provincial Field Unit for proper disposition,” ayon kay Calubaquib.

Samantala, pinag-utos ni PRO5 Regional Director PBGen Andre Dizon na paigtingin ng pulisya ang kanilang presensya para madaling makapagsumbong ang publiko hinggil sa mga krimen.