‘Too divisive’ ang PI! Pamumuno sa Cha-Cha ng Senado, utos mismo ng PBBM—Zubiri

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, nakipagpulong siya kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez ilang araw matapos ibalita ang nilulutong People’s Initiative. Dagdag pa niya, mismong ang pangulo ang nagmungkahi na pangunahan ng Senado ang pag-amyenda sa Saligang Batas.

Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na direktiba mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Senado na pangunahan ang pag-amyenda sa mga probisyon sa Saligang Batas na may kinalaman sa ekonomiya dahil aniya “too divisive” ang People’s Initiative.

Iyan rin, ayon kay Zubiri, ang dahilan sa pagsulong nito sa Resolution of Both Houses of Congress No. 6 (RBH6), na layong baguhin ang mga nasabing probisyon sa pamamagitan ng lehislatura.

“This is to avert a constitutional crisis between the House of Representatives and the Senate. And to make it clear that there are no other planned provisions or amendments on any other thing but purely economic in nature,” sabi ni Zubiri sa mga mamamahayag matapos niyang isumite ang RBH6.

BASAHIN RIN: Advance nga mag-isip, malisyoso naman! ‘Dagdag’ pondo ng Comelec, hindi hiningi, hindi rin para sa Cha-cha

Kwento pa ni Zubiri, nakipagpulong siya kay Marcos at House Speaker Martin Romualdez ilang araw matapos ibalita ang nilulutong People’s Initiative.

“I would like to thank the President for his comment that the PI is too divisive, and even mentioned news items from the media networks that he watched the night before [the meeting],” ani Zubiri.

Ayon pa kay Zubiri, ang pangulo mismo ang nagmungkahi na pangunahan na ng Senado ang Charter Change upang malimitahan ito sa mga probisyong may kinalaman lamang sa ekonomiya.

“The President told me and the Speaker, ‘Why doesn’t the Senate take the lead in the discussions of the economic provisions and then you approve your version which the House can adopt?’ That was the position of the President, so that we will not put any more amendments that we think will make the people angry. So that was quite clear in the meeting,” sabi pa niya.