Tolentino sinaluduhan sundalong naputulan daliri sa Ayungin

Kinilala ni Senator Francis "Tol" Tolentino ang katapangan ng isang sundalong naputulan ng daliri matapos harangin ng China ang rotation and resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal noong Hunyo 17.

Kinilala ni Senator Francis “Tol” Tolentino ang katapangan ng isang sundalong naputulan ng daliri matapos harangin ng China ang rotation and resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal noong Hunyo 17.

Sa platform X, ibinahagi ni Tolentino ang larawan kung saan kasama niya si Philippine Navy officer Seaman First Class Jeffrey Facundo.

“Its an honor to meet Ph Navy sailor Jeffrey Facundo, our brave soldier who lost a thumb in Ayungin Shoal, West Phil Sea- Mabuhay ka!” caption ng Senador.

Matatandaang kamakailan ang inatake ng China ang dalawang rigid hull inflatable boat (RHIB), kung saan binutas nila ang mga ito.

Bukod pa riyan ay kinuha rin nila ang ilang armas na bitbit ng militar ng Pilipinas.

Ayon sa unang pahayag ni Facundo, naputol ang kanyang hinlalaki nang banggain ng Chinese Coast Guard (CCG) ang kanilang RHIB sa ikalawang pagkakataon at umakyat ang barko ng China sa ibabaw ng kanilang rubber vessel.

Naputol ang kanyang daliri dahil sa matalim na bakal sa ilalim ng barko ng China.

TINGNAN: