Todo suporta sa PBBM d’yan: DBM, naglaan ng higit P22 bilyon para sa pagsasaayos ng healthcare sa bansa

Target ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas mapabuti at mapaganda ang kalidad ng healthcare sa bansa, kung kaya naman pinondohan ito ng P22.98 bilyon para sa susunod na taon.

Maglalaan ang gobyerno ng P22.98 bilyon upang mapabuti ang mga health facility sa bansa sa 2024.

Sa isang pahayag na inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) nitong Miyerkules, Oktubre 25, sinabi ng ahensya na ang naturang alokasyon ay kasama sa panukalang 2024 National Expenditure Program (NEP) sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ng Department of Health (DOH).

“The HFEP’s total allocation—PHP22,983,872,000 in all—will be specifically directed towards building, upgrading, and expanding government-run healthcare facilities all across the country. The allocation will also allow for the purchase of hospital equipment and medical transport vehicles,” sabi sa pahayag.

Dagdag ng DBM, prayoridad ng HFEP ang universal healthcare sites at geographically isolated and disadvantaged areas. Layon naman nito na mas mapaganda pa ang mga essential facilities sa buong bansa upang mas mapabuti ang healthcare standards para sa mga Pilipino.

Partikular na target ng gobyerno ang pag-invest sa mga state-of-the-art medical facilities at ang pagpapadala ng mga healthcare professionals sa mga probinsiya.