Todo arangkada na! Flagship Walang Gutom program ni PBBM, mas pag-iigtingin sa 2024

May budget na ang DSWD para sa malawakang implementasyon ng Walang Gutom 2027: Food Stamp Program, isa sa mga flagship projects ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Asahan mas lalawak pa ang implementasyon ng Walang Gutom 2027, ang flagship program ng pamahalaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., matapos maaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang budgetary requirement ng naturang proyekto.

“At ang ating projected budget po next year, for the second half po ng ating implementation kasi mag-i-start na po iyong—matatapos iyong pilot natin. May at June ang ating review, and then July na iyong implementation natin noong 300,000 scale-up and that will require us six billion pesos in budget po next year,” paliwanag ni Department of Social Welfare and Development Undersecretary Edu Punay sa isang news forum noong Sabado, Oktubre 21.

Salamat sa DBM, siguradong may budget na ang DSWD para sa programa.

“We already met with the Department of Budget and Management and they committed to provide for the financial budgetary requirements of the program. So, we’re very happy that this will be implemented next year … talagang may working budget na po tayo dahil—thanks to the EO 44 ni Presidente,” dagdag Punay ni Punay, na tinukoy ang Executive Order No. 44, na nagtatag ng Walang Gutom 2027: Food Stamp Program.”

Ang programa, ayon pa rin kay Punay, ay nasa pilot implementation pa lamang hanggang Hunyo 2024.