To see is to believe, kaya punta na! International business community, hinimok ni Romualdez na dalhin ang WEF Roundtable sa Marso sa Pilipinas

Inaasahang dadalo WEF Country Roundtable ang higit 50 representante ng iba’t ibang negosyo sa loob at labas ng bansa. Isa sa mga layunin nito ang ipakilala at ibida ang Maharlika Investment Fund ng pamahalaan upang makakuha ng mga mamumuhunan rito.

Pormal nang inanyayahan ni House Speaker Martin Romualdez ang international business community na lumahok sa World Economic Forum (WEF) Roundtable na gaganapin sa Maynila sa Marso at pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Iyan ang isa sa mga mensahe ni Romualdez sa kaniyang closing remarks bilang bahagi ng “Learning from ASEAN” session sa pagtatapos ng 2024 WEF Annual Meeting sa Davos, Switzerland nitong Miyerkules ng hapon, Enero 17 (oras ng Switzerland).

Sa kaniyang panawagan, ibinida rin niya ang Association of Southeast Asian Nations, na aniya ay naglalayong maging European Union (EU) ng rehiyon.

BASAHIN RIN: Ipapaalam natin sa mundo ito! Pilipinas at MIF, isusulong ni Romualdez sa World Economic Forum sa Switzerland

“I see an ASEAN Parliament like the EU. I aspire for that. That has been an aspiration of the ASEAN ever since its inception,” saad ni Romualdez. “And to see the seeds of that we invite you to Manila this March 18 to 19. Manila and Philippine President Ferdinand R. Marcos Jr. will be hosting the World Economic Forum Roundtable. You will get a glimpse of our aspiration of an ASEAN Parliament.”

Inaasahang dadalo WEF Country Roundtable ang higit 50 representante ng iba’t ibang negosyo sa loob at labas ng bansa.

Isa sa mga layunin nito ang ipakilala at ibida ang Maharlika Investment Fund ng pamahalaan upang makakuha ng mga mamumuhunan rito.

BASAHIN RIN: ‘Open for business’ po kami! Pilipinas, muling ibinida ni Romualdez sa WEF sa Switzerland