Tiyaga lang! PBBM magbibigay oportunidad sa probinsya para iwas trapiko sa Metro Manila

Plano ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. na paunladin ang mga probinsya gaya ng Bulacan, Pampanga, Cavite, at Laguna.

Plano ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na paunladin ang mga probinsya gaya ng Bulacan, Pampanga, Cavite, at Laguna.

Ito ay upang maibsan ang bigat ng trapiko sa Metro Manila dahil sa patuloy na dumarami ang populasyon at konstruksyon ng mga proyektong imprastruktura.

Sa YouTube vlog ng Pangulo, sinabi nito na ang pagbibigay ng pantay na oportunidad sa labas ng Metro Manila ay isa sa pinakamahusay na solusyon upang malutas ang congestion sa trapiko sa metropolis.

“Habang patuloy ang pag-gawa ng ating mga tulay, flyover, skyway, subways, train systems, at iba pang mga imprastraktura, para sa transportasyon patuloy naman ang pag-dami ng populasyon natin at ang pag-dami ng mga sasakyan,” saad nito.

“Congested ang Metro Manila, kung kaya bahagi talaga ng pag-paplano ay mai-develop ang mga kalapit na probinsya at siyudad. ‘Yan ang mga nakikita natin ngayon na developments. Ang Bulacan, Pampanga sa North at Cavite and Laguna sa South,” dagdag pa nito.

Dahil dito hiniling ng Pangulo ang pang-unawa ng publiko, dahil aniya mararamdaman na ang ginhawa sa trapiko kapag naisakatuparan na ang proyektong ito.

“Kaya’t pag-tyagaan niyo lang, pero pagka-nabuo na ‘yan, asahan ninyo gaganda ang sitwasyon natin,” wika nito.