Tiwala sa US! Mga Pinoy, duda na sa China – survey

Karamihan sa mga Pilipino ay wala ng tiwala sa China dahil na rin sa umiinit na agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Karamihan sa mga Pilipino ay wala ng tiwala sa China dahil na rin sa umiinit na agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Sa survey na isinagawa ng Oculum Research and Analytics, nakakuha lamang ang China ng 17% na trust rating, pinakamababa sa mga bansa na isinama sa survey.

Bukod pa rito, numero uno ang China sa distrust rating, na 38 percent.

Sa kabilang dako, 75% ang nakuhang trust rating ng US, at 2% lamang ang distrust rating.

“The low level of trust in China and a relatively high level of distrust could be attributed to geopolitical tensions, economic competition, territorial disputes, or concerns over political and human rights issues,” pahayag ni Dr. Joseph Mercado, chief statistician ng Oculum Research.

Nilahukan ang survey ng 3,000 respondent.