Tito Sotto tatakbong senador kakampi Marcos admin?

Nakatakdang makipag-alyansa ang political party nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Senate President Vicente 'Tito' Sotto III.

Nakatakdang makipag-alyansa ang political party nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.

Matatandaan na sa dating talumpati ni PBBM, sinabi nito na muling bubuuin ang UniTeam para sa 2025 elections.

Ilan sa mga nabanggit na partido ni PBBM na kinakausap ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ay ang Lakas-CMD, National Unity Party (NUP), at ang Nationalist People’s Coalition (NPC) kung saan chairman si Sotto.

Ilan sa matunog na pwedeng tumakbo mula sa NPC bukod kay Sotto ay sina Senador Lito Lapid, at dating Senador Manny Pacquiao.

Samantala, pormal nang sinelyuhan ang alyansa ng PFP at Lakas-CMD na tinawag na ‘Alyansa Para sa Bagong Pilipinas’ noong nakaraang linggo.

Inaasahan na sa mga susunod linggo ay madagdagan pa ang political alliance ng partido ni Marcos.

Isa rin sa matunog na posibleng maging kaalyansa ng PFP ay ang Pwersa ng Masang Pilipino, na hawak naman ni dating Pangulong Erap Estrada.