Tinupad na ang pangako: Romualdez, nagbigay ng tulong pinansyal sa pamilya ng mga Pilipinong namatay sa Israel

Nangako kamakailan si House Speaker Martin Romualdez na tutulungan niya ang mga naulila ng tatlong caregivers na namatay sa karahasan sa Israel.

Pormal ng ibinigay ng Office of the Speaker at Tingog Party-list nitong Miyerkules, Oktubre 18, ang P500,000 sa bawat pamilya ng tatlong namatay na Pilipino dahil sa karahasan sa Israel.

Binisita rin ni House Speaker Martin Romualdez ang pamilya ng caregiver na si Paul Castelvi upang personal na ibigay ang cash grant at makisimpatiya na rin sa mga naulila.

“No amount of assistance can truly compensate for your loss, but we hope this small gesture will help assuage your grief and alleviate some of the financial burdens you are facing during this difficult time,” sabi ni Speaker Romualdez sa pamilya ni Castelvi.

Kasabay nito, dalawang magkahiwalay na grupo mula sa Office of the Speaker at Tingog Party-list ang naghatid ng cash grant sa mga naulila ng caregivers na sina Loreta Alacre ng Negros Occidental at Angelyn Aguirre ng Pangasinan.

Nauna ng inanunsiyo ni Speaker Romualdez ang kaniyang planong tulungan ang mga naulila ng tatlong Pilipino.

“We stand in solidarity with our fellow Filipinos who, in search of a brighter future, found themselves in the midst of a conflict not of their own making. We honor the memory of our brave OFWs who paid the ultimate price,” paliwanag niya.