Tinuluyan na ang pasaway! Pulis na nagpaputok sa labas ng restobar, sinibak na sa serbisyo ng PNP

Kabilang ang naturang pulis sa Legal Service department ng PNP, at una na itong nahatulan ng dismissal ng People’s Law Enforcement Board of Quezon City dahil sa hit-and-run bago pa man ang insidente ng pamamaril.

Opisyal nang tinanggal sa serbisyo ang pulis na nagpaputok na baril sa labas ng isang restobar sa Quezon City noong Nobyembre, ayon mismo kay Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda.

Aniya, pinirmahan na niya noon pang Disyembre 18, 2023 ang dismissal order ng nasabing pulis na si Lt. Col. Mark Julio Abong, na sangkot rin sa isang hit-and-run noong Agosto 2022.

BASAHIN RIN: Hindi na dapat patagalin yan sa serbisyo: Pulis na nagpapaputok ng baril sa restobar, pinaiimbestigahan na ng DILG

“It is his right to appeal but based on the provisions of existing policies, the decision is executory, meaning while he may render his appeal or submit his appeal, the decision should stand. He is dismissed from the service. With regard to benefits if you are dismissed, you are not entitled to benefits,” ani Acorda sa isang press briefing nitong Lunes, Enero 15.

Kabilang si Abong sa Legal Service department ng PNP, at una na itong nahatulan ng dismissal ng People’s Law Enforcement Board of Quezon City bago pa man ang insidente ng pamamaril.

Sa naturang insidente, sinasabin may nakaalitang waiter at customer si Abong, na dalawang beses nagpaputok ng baril ayon sa mga testigo.