Tinulungan sa piyansa! Pura Luka Vega nakalaya na

Nakalabas na ng piitan ang drag performer na si Pura Luka Vega matapos makapagpiyansa ng P360,000.

Nakalabas na ng piitan ang drag performer na si Pura Luka Vega matapos makapagpiyansa ng P360,000.

Kinumpira ito ni Pura Luka sa kanyang post sa X (dating Twitter).

“I was released on bail today,” saad sa post ng drag artist.

“Honestly, I got to learn more about my cellmates and their stories and much more. Because of what is happening and through the support and explanations of my lawyers, I now feel comfortable using legal jargon in everyday life,” kwento pa ni Pura Luka.

Inaresto ng Manila Police District si Pura Luka noong Pebrero 29 dahil pa rin sa kanyang kontrobersyal na “Ama Namin” performance. Ang pagdakip sa drag artist ay sa bisa ng warrant of arrest na ikinasa dahil umano sa paglabag ni Pura Luka sa Article 201 ng Revised Penal Code. Ang kaso ay inihain ng talong simbahan na kasapi ng Philippines for Jesus Movement.

Ang naturang kaso ay may kaakibat na piyansa na P360,000, na pinagtulungan ng mga kaibigan ni Pura Luka.

“Tuloy pa rin ang laban, tuloy pa rin ang buhay. Lubos ang pasasalamat ko sa mga tumulong saken sa bail ko. To my drag sisters na walang sawang tumulong saken at nag-organize ng fund raising for legal fees, maraming maraming salamat sa inyo,” dagdag pa ni Pura Luka.

Unang dinakip ng pulis si Pura Luka noong Oktobre 2023 sa kasong paglabag sa Immoral Doctrines Obscene Publications and Exhibitions and Indecent Shows (2)(B)(3) AND (2)(3)(5) ng Revise Penal Code Article 201. Dito’y inireklamo siya ng ilang deboto ng Itim na Nazareno.