Tindahan sa Guinobatan, Albay, pinagnakawan; Katiwala, binaril ng mga suspek matapos manlaban

Natangay ng mga magnanakaw ang P34,000 halaga ng gamit mula sa tindahan.

ALBAY – Sugatan ang boy ng isang tindahan sa Purok 2, Masarawag, Guinobatan, Albay ng mabaril ng holdaper pasado alas-3:30 ng hapon itong Myerkules, September 20, 2023.

Kinilala ang biktimang si Joel Villanueva y Oxina, 28-anyos na tinamaan ng bala sa kaliwang balikat.

Ayon sa ulat, nagkunwari pang bibili ng softdrinks ang mga salarin at dito na nagdeklara ng holdap.

Nanlaban diumano ang biktima matapos na tutukan ng baril sa kaniyang sintido.

Bukod kay Villanueva, hinoldap rin ng mga salarin ang driver ng isang closed van na nakaparada sa labas ng naturang simbahan.

Kinilala ang driver ng closed van na si Ryan Oguira na natangayan ng cellphone at P500.00 cash. Nakuha rin sa pahinante ni Oguira na si John Lloyd Nales ang pag-aari nitong cellphone.

Samantala, aabot sa P34,000.00 ang nakuha ng mga suspek sa tindahan.

Sa ngayon nag papatuloy parin ang ginagawang imbestigasyon ng PNP.