Tinatakbo pa ang taklobong inalagaan ng mga Pinoy! Mangingisda mula Zambales, muling ginipit ng Chinese Coast Guard; sapilitang pinabalik ang huli sa dagat na bahagi ng Pilipinas—PCG

Batay sa kwento ng mga mangingisda, nangongolekta lamang sila ng mga shell sa Bajo de Masinloc nang lapitan sila ng mga taga-CCG na nakasakay sa isang rubber boat. Inutusan raw sila ng mga ito na ibalik ang mga nakolekta nila at hinabol pa sila.

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) ang panibagong insidente ng pangha-harass ng Chinese Coast Guard (CCG) sa mga Pilipinong mangingisda malapit sa timog lagusan ng Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal).

Sa katunayan, kumalat na sa social media ang video ng naturang insidente, na natunton naman ng PCG kung kanino nanggaling. Kanya naman nakuha na ng ahensya ang mga pahayag ng mga mangingisdang kasama.

“Mr. Jack Tabat from Zambales, has admitted that the video came from their boat, FB Legendary Jo. According to his statement, on 12 January 2024, Filipino fishermen who were collecting sea shells near the South entrance of [Bajo de Masinloc] experienced harassment from the China Coast Guard,” sabi ng PCG sa isang pahayag.

Batay sa kwento ng mga Pilipinong mangingisda, nangongolekta lamang sila ng mga shell sa Bajo de Masinloc nang lapitan sila ng mga taga-CCG na nakasakay sa isang rubber boat, ayon sa PCG.

Inutusan raw sila ng mga ito na ibalik ang mga nakolekta nila at hinabol pa sila. Hinawakan rin daw ng mga ito ang bangka nila para hindi ito makaalis.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nang-harass ng mga Pilipinong mangingisda ang China.

Sa kaugnay na ulat, napag-alaman rin ng isang security analyst na umanong kinukuha ng mga Tsino na mangingisda ang mga taklobo (giant clam) sa lugar sa pamamagitan ng mapanganib na paraan.