Tinakasan enforcer! PNP van humarurot sa EDSA busway

Huli sa akto ang pagdaan ng isang van na may logo ng Philippine National Police (PNP) sa EDSA busway nitong Miyerkoles.

Huli sa akto ang pagdaan ng isang van na may logo ng Philippine National Police (PNP) sa EDSA busway nitong Miyerkoles.

Makikita sa video na binahagi ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (DOTr-SAICT) ang pagdaan sa busway ng van ng PNP sa northbound lane ng Ortigas station.

Tinangkang parahin ng mga operatiba ng Special Operations Unit ang van pero hindi rin ito napigilan at nagpatuloy lang sa pag-andar.

Dahil dito’y naglabas ng show cause order ang driver ng puting PNP van para mapagpaliwanag sa violation na ginawa sa EDSA busway.