Tinagba Festival sinuportahan ng Ako Bicol Party-list

Nakiisa ang Ako Bicol Party-list sa pagdiriwang ng Tinagba Festival sa Iriga, Camarines Sur.

Nakiisa ang Ako Bicol Party-list sa pagdiriwang ng Tinagba Festival sa Iriga, Camarines Sur.

Mayroong parada na nilahukan ang Ako Bicol tampok ang makulay na bull cart o mga kalabaw na may sakay na bagong ani na gulay at mga prutas.

Ang Tinagba ay galing sa salitang ‘tagba’, na isang tradisyon ng mga ninuno na mag-alay ng ani bilang pasasalamat sa magandang harvest.

Pinagdiriwang ito tuwing February 11, kasabay ng kapistahan ng Our Lady of Lourdes.

Ang pagsuporta ng Ako Bicol ay patunay ng layunin nina Congressman Zaldy Co at Congressman Jil Bongalon na mapagsigla ang turismo hindi lamang sa Bicol, kundi pati sa buong Pilipinas.