Tiles sa ginagawang Senate building, P75K presyo per square meter!

Umabot sa P75,000 per square meter ang halaga ng tiles sa bagong Senate Building sa Taguig City.

Umabot sa P75,000 per square meter ang halaga ng tiles sa bagong Senate Building sa Taguig City.

Ayon kay Senator Nancy Binay, mahal ang mga tiles dahil may warranty ang mga ito at kailangang palitan kung sakali mang masira.

Base sa kontrata ng Department of Public Works and Highways at Hilmarc’s Construction Corp., ang pinakamahal na gamit ay granite tiles na P43,996.59 at laminated wood tiles na P75,166.7 per square meter.

“Yang tiles, tinitingnan tapos tinatanong kung ano ba ang warranty at maintenance niyan. Pag nabasag ba iyan 15 years from now, mapapalitan pa ba nila ang tiles na iyan?” pahayag ni Binay.

“Ang pangamba ko, kung may mabasag five years, 10 years from now, ibig sabihin ba noon, kailangan na palitan lahat just because hindi na available ang isang tile na nag-crack?” paliwanag pa nito.

Samantala, itinanggi niyang umabot sa P23.3 bilyon ang halaga ng naturang proyekto.