TikTok pa more! Basta ‘di nakakasira, mga pulis OK lang mag-TikTok – Acorda

Wala pang polisiya ang Philippine National Police (PNP) na nagbabawal sa mga tauhan nitong gumamit ng social media app na TikTok.

Wala pang polisiya ang Philippine National Police (PNP) na nagbabawal sa mga tauhan nitong gumamit ng social media app na TikTok.

Ito ang sinabi ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. kasunod ng napabalitang pagbabawal ng Armed Forces of the Philippines sa mga tauhan nito sa paggamit ng social media app mula sa China dahil sa umano’y cybersecurity risks nito.

Ang paalala ni Acorda sa kapulisan, kung gagamitin ang TikTok, siguruhin na irerespeto pa rin ang uniporme ng PNP.

“We have no policy on that. With regard to the use of Tiktok privately, our personnel can use it for as long as it is not degrading our uniform,” anang PNP chief.