‘Tigit Sa Pag-Ibig: The Musical’, aarangkada na sa Oktubre

Tampok ang dula bilang pasasalamat ng Sining Banwa Albay Performance Collective sa kanilang ika-10 na anibersaryo.

ALBAY – Aarangkada sa Oktubre ang ‘Higit sa Pag-ibig, the Musical’ ng Sining Banwa Albay Performance Collective Inc.

Ayon sa stage manager ng grupo na si Dories Barcia, binuo nila ang musical theater play para sa selebrasyon ng kanilang ika-10 anibersaryo na mas naging posible sa pakikipagtulungan sa kanila ng Dawani Project Incorporated.

Sabi niya, paniguradong may bitbit na aral ang kanilang gagawing play.

Magiging sentro sa pagbangon sa buhay at bagong pag-asa ang naturang musical theater play sa direksyon ni Sari Saysay at mapapanood ng 90 minuto.

Kasama sa mga ibibida rito ang mga kanta ng Al Jang, Rahuyo, Jhasmine Villanueva, Vaan Castelo at Late Bollemers.

Sa October 4, nakatakdang simulan ang play at magtatapos sa October 8, 2023.

Mabibili ang mga ticket sa halagang P250.00.