Tigilan na ang raket na yan! DND nanawagan kontra sa gumagawa ng iligal na armas

Nanawagan si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa mga awtoridad na makipagtulungan sa ahensiya upang habulin at arestuhin ang mga gumagawa ng iligal na armas, na aniya ay ginagami sa krimen at extortion.

Hinimok ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang mga awtoridad na habulin at arestuhin ang mga gumagawa ng iligal na armas, na aniya ay susi upang mabuwag naman ang mga private armed groups (PAGs).

“The DND would also like to converge with each and every one of you, not only to go after armed groups but the manufacture of illegal firearms as well because we have to hit the demand source and the supply source,” pahayag ni Teodoro sa ika-13 oversight committee hearing ng National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups (NTF-DPAGs) na ginanap nitong Huwebes, Oktubre 5.

Dagdag ni Teodoro, bukod sa ginagamit ang mga iligal na armas sa krimen, ginagamit rin ito para sa extortion o pananakot ng mga sibilyan.

Nangako naman si Teodoro na makikipagtulungan ang Department of National Defense upang mapanatili ang kapayapaan at habulin ang mga manufacturers ng iligal na armas.