Tigilan na ang paninikil! 6 na enforcer, sinibak dahil sa extortion—LTO chief

Matapos magpanggap na tsuper ng mga colorum na PUV, nahuli diumano ng mga ahente ng LTO ang pangongotong ng anim na enforcer.

Isinailalim ni Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza II ang anim na enforcers ng ahensiya dahil sa mga reklamong nangongotong sila sa tsuper ng colorum na public utility vehicles (PUVs).

“These six LTO enforcers are already under preventive suspension. I will personally monitor this case because I have also instructed the filing of administrative and criminal complaints against them,” saad ni Mendoza sa isang pahayag.

Nagbabala rin sa Mendoza sa ibang LTO enforcers na huwag siyang subukan.

“This should serve as a warning to all LTO enforcers. Don’t taint with your dirty hands the government’s campaign against colorum public utility vehicles, because you will surely get the ax from me,” dagdag pa niya.

“There will be no strike two or strike three on this matter. If you are caught, you will immediately be relieved and will face both criminal and administrative cases. I will make sure you’ll be kicked out of the LTO,” giit pa ni Mendoza.

Hindi na pinangalanan ni Mendoza ang anim na sinibak, subalit nahuli raw ang mga ito matapos ang mga sting operations, kung saan nagpanggap na tsuper ang ibang ahente ng LTO.