Tigil-putukan muna habang may peace talks: Isiping mabuti ang kinahinatnan ng bawat kilos–Romualdez sa mga rebelde

Habang isinusulong ng pamahalaan ang kapayapaan, nagkaroon ng madugong engkwentro ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines at New People's Army sa Balayan, Batangas nito lang Linggo, Disyembre 17.

Nanawagan si House Speaker Martin Romualdez sa mga rebeldeng komunista na isiping mabuti at isaalang-alang ang mga maaaring kahihinatnan ng kanilang bawat kilos at piliin na lamang ang kapayapaan.

Ito ang mensahe ng Speaker matapos ang madugong engkwentro ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at New People’s Army (NPA) sa Balayan, Batangas nito lang Linggo, Disyembre 17.

BASAHIN RIN: Ipakita na sinsero talaga: CPP-NPA dapat tuluyan nang talikuran ang karahasan sa pagsulong sa usapang pangkapayapaan—mambabatas

“In this light, I earnestly appeal to the insurgents to consider the broader implications of their actions on our country and its people. I urge them to abandon the path of violence and to rejoin the fold of the law,” apela ni Romualdez sa isang pahayag.

Matatandaang isinusulong ng pamahalaan ang usapang pangkapayapaan upang matuldukan na ang insurhensiya ng mga rebeldeng komunista at makamit na ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa.

“Our vision for a peaceful and prosperous Philippines can only be realized through collective efforts and a commitment to dialogue and understanding,” diin pa ni Romualdez.

Batay sa ulat isang sundalo umano ang nasawi sa naturang engkwentro, samantalang tatlo naman ang sugatan. Anim naman ang patay sa mga NPA.

BASAHIN RIN: ‘Courageous step’ patungong kapayapaan: Romualdez, suportado rin ang usapang pangkapayapaan ng pamahalaan at CPP-NPA

BASAHIN RIN: Makakamit na ang kapayapaan: Muling pagbuhay sa peace talks ngn ng pamahalaan, NDFP, suportado ng Norway