Tigil na kasi yang AI Yearbook Challenge muna! Malaking panganib sa personal data ang paggamit ng AI image generator apps—DICT

Pinag-iingat ang mga gumagamit ng mga naturang app bunsod ng mga sunod-sunod na hacking incidents na iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno sa nakalipas na mga buwan, ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT)

Nagbabala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa publiko laban sa paggamit ng mga nagte-trending na artificial intelligence (AI) image generator apps dahil sa umanong mga maaaring maging problema sa pagbigay ng personal na data.

Pinag-iingat ng DICT ang mga gumagamit ng mga naturang app bunsod ng mga sunod-sunod na hacking incidents na iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno sa nakalipas na mga buwan, ayon kay DICT spokesperson Assistant Secretary Renato Paraiso.

“Any application that would use your personal data, even your biometrics or facial recognition should be a cause for concern… The public should be cautious because we are parting with vital information that may be used to potentially do harm to us,” ani Paraiso.

Ayon pa sa opisyal, patuloy pa rin ang pag-aaral at pag-analyze sa mga naturang risk bunsod ng mga AI image generator apps.

Pinaalalahanan pa ni Paraiso ang publiko na maging mapanuri sa mga apps na humihingi ng personal na impormasyon.

“Example is your pictures might be used as profile pictures in other pages… to ask for money,” aniya.

Ang panibagong babala ay bunsod sa naunang mga pagpapaalala ng Department of National Defense at House of Representatives laban sa paggamit ng mga AI image generator apps, na nag-trending kamakailan dahil sa AI Yearbook Challenge.