‘They have no heart’: SP Zubiri, kinondena ang China, hinimok si PBBM na pauwiin na lamang ang ambassador nito

Hinimok ni Senate President Juan Miguel Zubiri si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pauwiin na lamang si Chinese Ambassador Huang Xilian dahil wala naman aniya itong ginagawa sa kabila ng mga pangha-harass ng China.

Mariing kinondena ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang ginawang pagbobomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) sa mga barko ng pamahalaan na tumatahak sa West Philippine Sea upang magdala ng mga supply sa mga mangingisdang Pilipino malapit sa Bajo de Masinloc, o kilala rin bilang Scarborough Shoal.

“This time, China not only caused us great damage to property but they also put Filipino lives at risk,” ani Zubiri sa isang pahayag. “This was a humanitarian mission, and still China chose to attack them. They have no heart.”

Dagdag ni Zubiri, tila lumalala na ang mga ginagawa ng China, na dati ay hinaharangan lamang ang mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

“They have gone from unlawfully blocking us from navigating our own waters to now deliberately damaging our vessels and endangering the lives of our people,” aniya.

BASAHIN RIN: Kailan kaya darating ang resbak? Resupply ship ng BFAR, binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa may Scarborough Shoal

Kaugnay niyan ay hinimok rin ni Zubiri si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pauwiin na lamang si Chinese Ambassador Huang Xilian dahil wala naman aniya itong ginagawa sa kabila ng mga pangha-harass ng China.

“He has done nothing to address the continued attacks of his government on our troops and on our people,” paliwanag ni Zubiri.