Thank you, Mr. President! PBBM: Bagong batas para sa maraming trabaho sa Bagong Pilipinas

Suportado ng Trabaho Para sa Bayan Act ang Philippine Development Plan 2023-2028 ni PBBM, ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA).

Pinirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang “Trabaho Para sa Bayan Act,” na tutugon sa kakulangan sa trabaho, underemployment, at iba pang problemang kinakaharap ng manggagawang Pilipino.

Bubuo ang mekanismo ang batas para suportahan ang pagtaas ng antas ng employability at competitiveness ng mga manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng upskilling at reskilling programs, at pagbibigay ng suporta sa mga micro, small, and medium enterprises at industry stakeholders.

“The law will help us solve the various challenges plaguing our labor sector, such as low-quality jobs, skills mismatch, and underemployment, among others,” sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati matapos ang pagpirma sa batas.

“It likewise addresses the need to update the skills of our workers and promote the use of digital technologies, particularly for our micro-, small-, and medium-sized enterprises or MSMEs,” dagdag pa niya.

Inaatasan ng batas ang pagbuo ng Trabaho Para sa Bayan Inter-Agency Council (TPB-IAC) sa pamumuno ng director general ng National Economic and Development Authority (NEDA), na siyang magbabalangkas ng isang masterplan para lumikha ng trabaho sa bansa.

Kasama rin sa council ang mga kalihim ng Department of Trade and Industry at Department of Labor and Employment, at iba pang mga ahensya at kinatawan ng sektor.

Ayon kay NEDA director general Arsenio Balisacan, magandang polisiya ang Trabaho Para sa Bayan Act dahil sumusuporta ito sa Philippine Development Plan 2023-2028 ng gobyerno.

“We support the Trabaho Para sa Bayan Act as it contributes to the Philippine Development Plan 2023-2028, which aims to increase employability, expand access to employment opportunities, and achieve shared labor market governance,” ani Balisacan.

“With the passage of the TPB, this will facilitate stronger coordination and partnership among relevant agencies and stakeholders for the efficient implementation of employment programs,” dagdag pa niya.