Teves laya na mula house arrest sa Timor Leste — DOJ

Inabisuhan ng central authority sa Timor Leste ang Department of Justice (DOJ) na nakalaya na sa house arrest ang tiwalag na mambabatas na si Arnolfo Teves Jr.

Inabisuhan ng central authority sa Timor Leste ang Department of Justice (DOJ) na nakalaya na sa house arrest ang tiwalag na mambabatas na si Arnolfo Teves Jr.

Ito ang kinumpirma ni DOJ Assistant Secretary Mico Clavano at sinabing hanggang 90 na araw lang maaaring i-detain ang isang pugante base sa saligang batas ng Timor-Leste.

“Fugitive Teves is able to leave his house but is being monitored by security forces. Land, sea, and air border authorities have been notified to ensure that Teves stays within Dili only,” paglilinaw ni Clavano.

“He also has to be presented to court every two days, while waiting for the decision of the Court of Appeal, which is expected to come out by next week. All of Teves’ documents are also in the possession of the security forces,” dagdag niya.

Inaasahan ng ahensya na makakabalik na ng Pinas si Teves sa pagtatapos ng mga legal proceedings nito sa Timor Leste.

Matatandaang si Teves ang pangunahing suspect sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at limang iba pa noong Marso 2023.