Teves hahatulan na sa Timor Leste

Natapos na ang extradition hearing kay dating Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr. na ngayon ay nakakulong sa Timor Leste.

Natapos na ang extradition hearing kay dating Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr. na ngayon ay nakakulong sa Timor Leste.

Ayon sa Department of Justice, binigyan ng Court of Appeals ng Timor Leste ang magkabilang panig na magsumite ng Memorandum/Position Papers para sa argumento at posisyon.

“Submission is sequential, not simultaneous. Timor Leste Central Authority will have to submit first its Memorandum/Position Paper followed by Teves camp,” pahayag ng DOJ.

May limang araw ang Court of Appeals ng Timor Leste na maglabas ng desisyon sa kaso ni Teves.

Inaasahang mailalabas ang desisyon bago matapos ang buwan ng Hunyo.

Kumpiyansa ang DOJ na papabor sa kanilang hanay ang desisyon ng Court of Appeals ng Timor Leste lalo’t matibay ang nailatag na kontra argumento ng mga witness laban kay Teves.

Si Teves ay nahaharap sa kasong murder dahil sa pagpatay kay Governor Roel Degamo.