Teves arestado na sa Timor Leste

Makalipas ang isang taong pagtatago, sa wakas ay naaresto na si dating Negros Oriental Congressman Arnolfo 'Arnie' Teves Jr.

Makalipas ang isang taong pagtatago, sa wakas ay naaresto na si dating Negros Oriental Congressman Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr.

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang pagkaaresto ni Teves sa Dili, Timor Leste nitong Huwebes, alas-4 ng hapon.

Ayon sa statement ng DOJ, naglalaro ng golf sa Top Golf Driving Range and Bar si Teves nang ito’y madakip ng mga awtoridad.

Nagtulong ang International Police (Interpol) National Central Bureau (NCB) at East Timorese Police para mahuli si Teves.

“Today’s apprehension of Teves is a testament to the power of international cooperation. It sends a clear message that no terrorist can evade justice and that nations stand united in safeguarding the safety and security of their citizens,” ayon kay DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla.

Si Teves ay matatandaang nagtago nang madikit ang kanyang pangalan sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong March 2023.

Kinasuhan siya ng ilang counts ng murder dahil sa mga nasawi sa Degamo murder.

Samantala, siniguro naman ng DOJ na patuloy ang kanilang mga update hanggang sa makabalik sa Pilipinas si Teves.