Tensyon sumiklab; PNP pinasok na compound ni Quiboloy sa Davao City!

Sumiklab ang tensyon sa harap ng Kingdom of Jesus Christ sa Sasa, Davao City matapos pasukin ng mahigit 100 na Philippine National Police (PNP) ang compound ni Apollo Quiboloy upang siya'y arestuhin.

Sumiklab ang tensyon sa harap ng Kingdom of Jesus Christ sa Sasa, Davao City matapos pasukin ng mahigit 100 na Philippine National Police (PNP) ang compound ni Apollo Quiboloy upang siya’y arestuhin.

“Hustiya! Hustiya!” sigaw ng mga taga-suporta ng pastor habang pinipigilan ang kapulisan na makapasok sa nasabing compound.

Kasalukuyang humaharap si Quiboloy sa patong patong na kaso ng sexual abuse at human trafficking sa regional trial court houses ng Davao at Pasig City.

Minsan nang mariing itinanggi ni Quiboloy at ng kanyang mga taga-suporta ang mga alegasyon ng pang-aabuso at iginiit na gawa-gawa lamang ito ng mga dating miyembrong may sama ng loob laban sa relihiyosong grupo.

Hindi pa malinaw kung may dalang search o arrest warrant ang PNP, at kung nahuli nga ba sa loob ng KOJC compound si Quiboloy.