Teddy Corpuz inawat bangayan ng fans ng ‘It’s Showtime’, ‘Eat Bulaga!’

Gusto na ni Teddy Corpuz na matigil ang debate ng mga fans hinggil sa tapatan ng mga palabas sa telebisyon.

Gusto na ni Teddy Corpuz na matigil ang debate ng mga fans hinggil sa tapatan ng mga palabas sa telebisyon.

Sa kanyang post sa X (dating Twitter) nitong Linggo, bumwelta si Teddy sa mga basher ng ‘It’s Showtime.’

“‘Yung pinag aaway niyo kami, pero bakit ‘di nalang tangkilikin parehas?” saad ng singer-host.

“Yes may competition… minsan talo, minsan panalo. Parehong gumagawa at nag nanais mapasaya kayo. Kung ‘di ka masaya sa isa, eh ‘di dun ka sa kabila at ‘wag ka na lang manira. Focus ka sa TV mo at ‘wag sa TV ng kalaban mo,” dagdag pa niya.

Noong Sabado ay umere na sa GMA-7 ang ‘It’s Showtime.’ Kinalaban nito ang ‘Eat Bulaga!’ ng TV5.

Samantala, pinuri naman ng mga netizen si Teddy sa kanyang naging pahayag.