Team KathDen: Sharon bet maging totoo relasyon ni Kathryn, Alden

Kilig na kilig din si Sharon Cuneta sa tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Kilig na kilig din si Sharon Cuneta sa tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Talagang hindi na nga ito makapaghintay sa bagong palabas na pagbibidahan ng dalawa.

Sa katunayan nga niyan ay bet din daw ni Sharon kung sakali mang totoohanin ng dalawa ang kanilang relasyon.

Aniya, nahihiya lang siyang magtanong kay Alden kung sila na ba ni Kathryn, pero gayunpaman masaya pa rin umano siya.

“Ayokong magsabing oo, pero tawagan ko si Alden mamaya,” sey ni Sharon sa isang panayam.

“Nahihiya akong magsabi ng ‘Anak, kayo na ba?’ Pero nag-message ako sa kanya, [sabi ko] ‘Anak, kung totoo ‘yan, napakasaya ko!’,” dagdag pa nito.

Pagbibiro pa nga ni Megastar ay handa siyang magpagawa ng tarpaulin para maipakita ang suporta sa kanyang mga anak-anakan.

“Kung saan sila maligaya, lalo kung sa isa’t isa, talaga namang… Alam mo naman si Mama, kung kailangan, magpagawa ako ng tarpaulin!” nakakalokang saad ng aktres.