TB-like na sintomas naitala sa mga PDL sa Pasay

Nakapag-ulat ang 400 persons deprived of liberty (PDLs) sa Pasay City Jail ng nagkaroon ng mga sintomas na tulad ng tuberculosis.

Nakapag-ulat ang 400 persons deprived of liberty (PDLs) sa Pasay City Jail ng nagkaroon ng mga sintomas na tulad ng tuberculosis.

Sinabi ng Commission on Human Rights (CHR) na hindi pa naman umano tiyak kung TB talaga ang sakit ng mga tinamaan.

Kaya naman agad na nagsagawa ng hakbang ang CHR upang matukoy agad ang posibleng tumama sa mga PDL.

“TB is a highly contagious disease that poses a serious health risk, particularly in overcrowded and poorly ventilated environments such as prisons. The high number of suspected TB cases among PDLs at Pasay City Jail highlights a critical public health issue that necessitates immediate and comprehensive action,” pahayag ng CHR.

Isa pa sa mga nagpadagdag alalahanin ay ang siksikan umanong mga selda, na siyang isa sa mga magiging dahilan ng mabilis na pagkakahawa sa loob.

“The potential for TB to spread both within the prison population and to the broader community underscores the urgency of addressing this outbreak effectively,” dagdag pa nito.

Sa ngayon, sumailalim na sa testing at isolation ang mga PDL.