Taylor Sheesh hinampas ng lalaki sa gitna ng concert

Trauma ang inabot ng impersonator na si Taylor Sheesh matapos siyang atakihin ng isang lalaki sa gitna ng kanyang pagtatanghal sa Bayambang, Pangasinan noong Sabado.

Trauma ang inabot ng impersonator na si Taylor Sheesh matapos siyang atakihin ng isang lalaki sa gitna ng kanyang pagtatanghal sa Bayambang, Pangasinan noong Sabado.

Sa mga kumalat na larawan sa Facebook, lumalakad sa gitna ng mga manonood si Taylor Sheesh nang may isang lalaki na bigla siyang kinarate chop sa leeg.

“This is traumatic. Literally. I’m shaking [right now],” saad ni Taylor Sheesh sa kanyang social media post.

Kaugnay nito, nahuli na umano ang nanakit kay Taylor Sheesh at siniguro ni Bayambang Mayor Niña Jose-Quiambao na mananagot ito.

“I will not tolerate homophobia and physical abuse in my town. I will make sure that justice will be dealt with. I am sorry to Taylor Sheesh that someone assaulted her during her performance. Don’t worry. Authorities have the person in question and this matter and incident will be dealt with accordingly,” saad ni Quiambao.

“[Bayambang] is a peaceful and safe town, and I cannot condone this stupidious act! I am so made and so angry! Shame on you!” dagdag pa ng alkalde.

Si Taylor Sheesh ay impersonator ng world renowned singer na si Taylor Swift.