Tatlong magkahiwalay na road accidents, naitala sa Sorsogon at Albay

Kaliwa’t kanang aksidente sa kalsada ang naiulat sa iba’t ibang bahagi ng Kabikulan. Hapon nitong Miyerkules, September 13, 2023 isang closed van ang tumagilid sa Barangay Carriedo, Gubat, Sorsogon.

Kaliwa’t kanang aksidente sa kalsada ang naiulat sa iba’t ibang bahagi ng Kabikulan. Hapon nitong Miyerkules, September 13, 2023 isang closed van ang tumagilid sa Barangay Carriedo, Gubat, Sorsogon.

Batay sa ulat, nag-overtake ang isang Elavil Bus sa dalawang sasakyan subalit imbes na paunahin na lamang ang bus ay nakipagmatigasan pa diumano ang dalawang sasakyan hanggang sa pagdating sa blind curve ng naturang daan hindi napansin ng driver ng bus ang paparating na van na nauwi sa aksidente.

Nadamay rin sa pangyayari ang isang nakaparadang motorsiklo at poste ng isang bahay na nasa tabing daan lamang.

Maswerte naman na minor injuries lamang ang natamo ng driver ng van.

Sa kaparehong araw, isang truck naman ang nahulog sa bangin sa Barangay Dela Paz, Daraga, Albay ala-1:00 ng hapon dahil nawalan ng kontrol ang truck driver na nagtamo lamang ng minor injuries.

Sa bayan naman ng Bacacay, Albay, isang dump truck ang tumagilid sa Purok 1, Barangay Bariw nitong Martes, September 12, 2023 matapos singitan ng isang closed van.

Biglang namatay ang makina ng sasakyan at dahil matirik ang daan, tuluyang tumagild ang truck.