Tatlong kawani ng Taguig City LGU dinikdik ng Makati

Inireklamo ng lokal na pamahalaan ng Makati City ang tatlong kawani ng Taguig City LGU dahil sa 'di umano'y korapsyon at 'di nila pagtupad sa kanilang tungkulin.

Inireklamo ng lokal na pamahalaan ng Makati City ang tatlong kawani ng Taguig City LGU dahil sa ‘di umano’y korapsyon at ‘di nila pagtupad sa kanilang tungkulin.

Ayon sa Makati LGU, nag-ugat ang kanilang reklamo nang tinengga ng Taguig LGU ang mga dokumento na kailangan nila sa pagbili ng lupa sa Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Saad ni Makati City Mayor Abby Binay, kumpleto naman ang kanilang mga dokumento ngunit sinadya ng mga taga-Taguig na ‘wag asikasuhin ang kanilang transaksyon.

“Despite having certified true copies of the tax declarations, we have yet to obtain the tax clearance documents or a tax assessment of possible taxes due to the City of Taguig. We have repeatedly followed up and sent a letter request on May 05, 2023 but the respondents intentionally delayed the procedure,” ani Binay.

Dinamay rin ng alkalde sa isyu ang agawan ng Makati at Taguig sa ilang mga lugar.

“The Taguig City Government has shown on many occasions a contemptuous disregard for the law. Aside from the unjustifiable delay in the release of tax clearance documents, they have harassed our employees and are now facing charges of illegal detention and grave coercion,” dugtong ni Binay.

“Their obsession to grab properties owned by Makati seems to have compromised their judgement, public conduct, and sense of decency,” dagdag pa niya.

Sa kabilang dako, binalewala naman ng mga taga-Taguig LGU ang reklamo ng Makati at sinabing wala umano silang basehan para rito.