Tatlo na? Isa pang Alice Guo, nasa record ng NBI

Isa pang “Alice Guo” fingerprint record noong 2005 ang pinag-aaaralan ngayon ng National Bureau of Investigation.

Isa pang “Alice Guo” fingerprint record noong 2005 ang pinag-aaaralan ngayon ng National Bureau of Investigation.

Ayon kay NBI director Jaime Santiago, ngayong araw malalaman ng kanilang hanay kung tugma ang fingerprint kay Bamban, Mayor Alice Guo.

“Meron pang isang Alice Guo na kumuha ng clearance in 2005. Remember that yung [alien certificate of registration] niya na naka-file sa amin is 2006. Kumuha si Alice Guo 2021 ng clearance. Merong kumuha ng clearance 2005, Alice Guo din,” pahayag ni Santiago.

“Nakapaglabas na po kami ng dalawang result ng, yung fingerprint ng dalawang impression niya na iisa nga. I have a third fingerprint card na anytime within the day, ilalabas po natin ang resulta,” pahayag ni Santiago.

Una nang kinumpirma ng NBI na tugma ang fingerprint ni Guo sa isang Chinese passport holder na si Guo Hua Ping.

Iniimbestigahan si Guo ng Senado dahil sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban.