Tatapusin agad sa utos ni PBBM: Mga pagbabago sa CREATE, aaprubahan ng Kamara ngayong Nobyembre — solon

Ang mga pagbabago sa CREATE Law ay nakahanay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ayusin ang mga nakikita ng mga investors na kakulangan o problema sa naturang batas.

Target ng House of Representatives na maaprubahan nitong Nobyembre ang mga panukalang pagbabago sa Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.

“We will send the Senate our version by the end of November. We will also approve this in the Committee next week. We were prepared to do it today, but the Office of the President requested for a bit more time to finalize its comments,” saad ni Salceda.

Sa isang pagdinig nitong Martes, Nobyembre 7, sinabi ni House Ways and Means Committee chair Joey Salceda na ang mga panukalang pagbabago sa CREATE ay makakatulong para gawin itong “more responsive to the global market and more globally competitive.”

Dagdag ni Salceda, ang mga pagbabago ay nakahanay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ayusin ang mga nakikita ng mga investors na kakulangan o problema sa CREATE.

Aniya, ang bersyon ng Kamara ay babaguhin ang value-added tax (VAT) rate pati na rin ang mga isyu sa refund, partikular na sa mga exporter. Bukod pa riyan ang iba pang mga mahahalagan amendments na isasama rin nila.