Tatak PBBM yarn! Tunay na maka-magsasaka ang Pangulo—Romualdez

Determinado ang Pangulo na gawing abot-kaya ang mga sangkap ng pagkain para sa bawat pamilyang Pilipino, ayon kay Romualdez.

Pinapurihan ni House Speaker Martin Romualdez ang mga ginagawang hakbang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa ikabubuti ng mga Pilipinong magsasaka—partikular na ang mga rice farmer.

Isa sa mga hakbang na ito ani Romualdez ay ang direktiba ng Malacañang sa Department of Agriculture (DA) na gamitin ang sobrang nakolekta mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) para tulungan ang agricultural sector.

“This gesture manifests the unwavering resolve of President Marcos Jr. to boost agricultural production, particularly of rice, to ensure a stable supply of food for every Filipino family at affordable prices and uplift the lives of our farmers,” paliwanag ni Romualdez sa isang pahayag nitong Martes, Oktubre 10.

Una na ring tiniyak ng pangulo na prayoridad ng pamahalaan niya ang mapag-igting ang local production at mas mapaganda ang sektor ng agrikultura.