Tarabangan Caravan ng Ako Bicol Party List, umabot na sa Barangay Puro, Legazpi

Tuloy-tuloy ang pagbibigay-serbisyo ng partido sa mga Bikolano, at Ako Bicol na mismo ang nagpupunta sa mga kababayan nito para maghatid ng tulong.

LEGAZPI CITY, Albay – Tears of Joy ang nararamdaman ngayon ni Nanay Emiliana habang ikinukwento ang kanyang kasiyahan dahil isa siya sa 10 benepisyaryo ng wheelchair na hatid ng Ako Bicol Partylist.

Aniya, hindi na raw siya mahihirapan sa mga pupuntahan at mga gingawa niya sa buhay at hindi na siya kailangang bantayan sa bawat oras.

Si Nanay Lilian naman bitbit ang kanyang dalawang anak para ipatingin sa doctor.

Dagdag pa ni Nanay Lilian, mas nakatipid raw sila sa tulong Tarabangan Caravan dahil sila na ang pinuntahan ng mga doktor sa kanilang barangay.

Umaga ng Oktubre 13 nang puntahan ng partido ang Barangay Puro sa Lungsod ng Legazpi sa ginawang Tarabangan Caravan kung saan tampok ang libreng check up, libreng gamot, libreng gupit at iba pa.

Nagpapasalamat ang Barangay Puro dahil isa ang barangay nila sa nabisita at nasa limang daan ang naging benepisyaryo ng programa ng partido.

Pagtitiyak ng partido sa pangunguna ni Ako Bicol Congressman Zaldy Co na patuloy ang mga programa ng partido sa buong rehiyon upang maipadama ang importansya ng publiko sa kanila.

Ito na rin ang pang-labing-isang Tarabangan Caravan sa rehiyon at pangalawa sa nasabing lungsod.