Tarabangan Caravan ng Ako Bicol, dadayo sa Legazpi

Daan-daang Bicolano sa Legazpi, Albay ang matutulungan ng Ako Bicol, sa pamamagitan ng Tarabangan Caravan kasabay ng Women's Month.

Daan-daang Bicolano sa Legazpi, Albay ang matutulungan ng Ako Bicol, sa pamamagitan ng Tarabangan Caravan kasabay ng Women’s Month.

Nagsagawa na ng coordination meeting ang Ako Bicol para sa medical mission na gagawin sa Embarcadero de Legazpi sa March 16 mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Ilan sa libreng ipagkakaloob ng Ako Bicol ay ang mga medical test tulad ng ECG, X-ray, blood chemistry test at 2D Echo.

Aagapay ang Tanchuling General Hospital Inc. para sa mga laboratory test.

Magkakaroon din ng libreng dental check up, massage, haircut at ilang skills training hatid ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Eve Gate Academy.