Tara, usap tayo, Mr. President: Ex-PRRD, makikiusap kay PBBM tungkol sa problema ng SMNI

Ayon sa dating pangulo, nais niyang makausap si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tungkol sa Sonshine Media Network International dahil nais niyang matulungan ang kaniyang kaibigang si Pastor Apollo Quiboloy.

Nais makausap ni dating pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. on tungkol sa Sonshine Media Network International (SMNI), na nauna nang inimbestigahan ng House of Representatives at nakitaan ng mga paglabag ng prangkisa nito.

Sinuspindi rin ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang dalawang programa nito, kabilang ang “Gikan sa Masa, Para sa Masa” ni Duterte.

BASAHINTuluyan na tanggalin sa ere ‘yan! 2 programa ng SMNI, suspendido ng 14 araw—MTRCB

“Ang ako lang concern karon (Ang concern ko lang ngayon) is to help my friend, si Pastor, kay sa tinuod lang (dahil sa totoo lang), kining NTC (National Telecommunications Commission) ba, wala man sila’y nakit-an (wala naman silang nakita)… they have not come up even an allegation of any wrongdoing,” saad ni Duterte sa isang press conference sa Davao.

Binigyan na rin ng NTC ng show-cause order ang SMNI at pinagpapaliwanag kung bakit hindi ito dapat parusahan sa mga paglabag sa mga batas.

BASAHIN RINPatikim sa pagtanggal ng prangkisa na ba ito? Operasyon ng SMNI, suspendido ng 30 araw—NTC

Nilinaw naman ng dating pangulo na hindi niya gustong kumprontahin si Marcos.

“I do not want confront the president, but rather, I’d like to talk to him indirectly kung bakit ganoon,” aniya. “As far as I am concerned, I have not crucified him, not even criticize him severely, maybe commented on the directions of the government. ‘Yun lang naman.”