Tara na’t maki-Pasko sa Palasyo! PBBM, First Lady, binuksang muli ang Malacañang sa publiko

Simula ngayong Sabado, Disyembre 16 hanggang sa bisperas ng Pasko sa Disyembre 24 ay bukas ang pinto ng Malacañang para sa "Tara sa Palasyo."

Binuksan muli nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang mga Malacañang sa sambayanang Pilipino na nais mas maramdaman pa ang diwa ng Kapaskuhan.

Simula ngayong Sabado, Disyembre 16 hanggang sa bisperas ng Pasko sa Disyembre 24 ay bukas ang pinto ng Malacañang para sa “Tara sa Palasyo,” kung saan maaaring bumisita ang publiko upang masilayan ang Christmas display sa makasaysayang Palasyo.

Bukas para sa lahat at libre lamang ang Tara sa Palasyo mula 6:00 p.m. hanggang 11:00 p.m. Magdadaos rin ng Misa de Gallo mula 4:30 a.m. hanggang 5:30 a.m., at may libreng Puto Bumbong at Bibingka pa pang-agahan pagkatapos ng misa.