Tapyas sa presyo ng gasolina, price hike sa diesel kasado na

Alerto sa mga motorcycle at car owners! Magkakaroon ng mga pagbabago sa presyo ng langis sa mga gasolinahan sa bansa simula bukas, Hunyo 4.

Alerto sa mga motorcycle at car owners! Magkakaroon ng mga pagbabago sa presyo ng langis sa mga gasolinahan sa bansa simula bukas, Hunyo 4.

Ayon sa mga kompanya ng langis, bababa ng P0.90 per litro ang presyo ng gasolina. Subalit, tataas naman ng P0.60 per litro ang presyo ng diesel.

Ilan sa mga kumpanyang nagsabing magpapatupad sila ng price adjustment ay ang Shell Pilipinas Corporation, Seaoil, Cleanfuel at PetroGazz. Inaasahan ding susundan ito ng ibang mga kompetidor.

Matatandaang noong nakaraang buwan, ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado ay nasa $81 hanggang $83 kada barrel para sa Brent crude.

Nitong Linggo (Hunyo 2) sa Vienna, napagkasunduan ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na ipagpatuloy ang “malalim na pagbawas sa produksyon” hanggang 2025. Inaasahan ng mga eksperto na ito ay magdudulot ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado sa mga darating na araw.

Isa ito sa mga pangunahing dahilan ng pagbabago ng presyo ng langis, na maaaring makaapekto hindi lamang sa bulsa ng mga konsyumer, kundi pati na rin sa pangkalahatang target na economic growth ng Pilipinas.

Kasabay nito, ang pagtaas ng halaga ng dolyar kumpara sa piso ay makakaapekto rin sa presyo ng langis na iimportahan ng mga kumpanya, dahil lumabas na ang halaga ng greenback ay higit P58 noong nakaraang linggo.