Tapyas presyo sa petrolyo kasado na!

Magbababa ng presyo ang ilang gasoline station sa bansa sa Martes, May 14.

Magbababa ng presyo ang ilang gasoline station sa bansa sa Martes, May 14.

Abot sa P2 kada litro ng gasolina, P0.50 sa diesel at P0.85 sa kerosene ang rollback sa Caltex, Shell at Seaoil.

Magkakaroon din ng pagbaba ng presyo sa Cleanfuel at Petro Gazz maliban sa kanilang kerosene.

Ito na ang ikatlong sunod na linggo na rollback para sa gasolina, habang pang-apat naman na tapyas presyo para sa diesel at kerosene.

Ang pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo ay bunsod ng pagtaas ng supply sa US inventory.