‘Tapusin, tapusin!’ NSA Año: Wawakasan ang rebelyong komunismo sa loob ng termino ni PBBM

Determinadong wawakasan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang rebelyong komunismo sa loob ng termino nito hanggang 2028, upang maituon ang atensyon ng Hukbong Sandatahan sa panlabas na seguridad, ayon kay National Security Adviser (NSA) Eduardo Año.

Determinadong wawakasan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang rebelyong komunismo sa loob ng termino nito hanggang 2028, upang maituon ang atensyon ng Hukbong Sandatahan sa panlabas na seguridad, ayon kay National Security Adviser (NSA) Eduardo Año.

Sa isang pulong balitaan, ipinahayag ni Año ang kumpiyansa ng kasalukuyang administrasyon na makakamit nito ang mga nasabing layunin, partikular na rito ang ang pagsugpo sa mga rebeldeng komunista nagdudulot ng kaguluhan sa bansa mahigit limang dekada na.

Target aniya ng pamahalaan na bawasan ang kakayanan ng mga rebelde at ang kanilang bilang upang hindi na ito maging problema sa bansa. Sa pagsugpo sa rebelyon, maituon na umano ng gobyerno ang atensyon nito sa pagpapa-unlad ng kanayunan at sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa mga Filipino.

“Maaari na nating i-reorient ang focus ng Armed Forces patungo sa external defense,” pahayag ni Año. “Kasi, sa ngayon, marami tayong geopolitical issues and challenges kaya kailangan natin ang Armed Forces na ituon ang kanilang atensyon sa panlabas na seguridad.”

Sinegundahan naman ang mungkahi na ito ni Undersecretary Ernesto Torres, executive director ng NTF-ELCAC Secretariat.

Aniya, nananalo ang pamahalaan sa laban nito kontro mga rebelde, na siya namang dahilan nang paghina ng kilusang komunista sa bansa.

Dagdag pa ni Torres, hinihimok ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na patuloy hikayatin ang mga rebeldeng komunista na sumuko at mamuhay ng normal upang ganap nang masupil ang rebelyon.